Cebu todo bantay sa pagkalat ng African Swine Fever

Sumunod na rin ang iba pang siyudad sa Cebu na pansamantalang ipagbawal ang pagpasok ng mga baboy at iba pang produkto nito na galing sa Carcar City at sa Negros Island kasunod ng mga ulat ng kontaminasyon ng African Swine Fever (ASF)

Naglabas ng executive order si Lapu-Lapu City Mayor Junard `Ahong’ para pansamantalang ipagbawal lahat ng pork products mula sa mga nasabing lugar sa loob ng 30 araw.

Pinirmahan din ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes ang katulad na kautusan laban sa pagkalat ng ASF sa kanilang lungsod.

Doble kayod naman ngayon ang mga awtoridad sa Carcar City upang mapigil ang pagkalat ng ASF na maaaring makaapekto sa industriya ng baboy.

Nitong nakaraang araw, sinabi ni City Administrator Attorney Jose Poblete na kumikilos ang iba’t ibang sektor upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nagpatupad na rin ng animal quarantine checkpoint ang Philippine National Police sa apat na boundary ng lungsod. (Ronilo Dagos)

The post Cebu todo bantay sa pagkalat ng African Swine Fever first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments