Dilawang politiko ober da bakod kay BBM

Sino raw itong politiko na kasapi ng grupong ‘dilawan’ ang itatalaga sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.?

Bagama’t matagal nang natsitsimis ang pagbalimbing ng politiko, mukhang magkakaroon na raw ng kaganapan ang pag-ober da bakod ng politiko.

Kuwento ng ilang Marites kay Mang Teban, posibleng ianunsyo raw ang puwestong ibibigay sa balimbing na politiko sa darating na Abril.

Posibleng patapusin lang daw muna ang panahon ng Semana Santa bago ianunsyo ang bagong appointee.

Malamang na mag-ayuno muna ang politiko dahil siguradong aakusahan siyang hudas sa Liberal Party (LP), ang partidong binabansagang dilawan.

Tanggap naman daw ng ilang dilawan na babalimbing ang politiko dahil sa koneksyon nito sa naninirahan sa Malacañang ngayon.

Matagal din na nagtago ang politiko lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan maraming Pilipino ang naghirap at nanghihingi ng tulong sa mga senador, kongresista, gobernador at mayor.

Clue. Ang dilawang babalimbing sa adminis­trasyon ay minsang inakusahang umiinom sa plato.

The post Dilawang politiko ober da bakod kay BBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments