DonBelle waging Prom King & Queen; Andrea, Ricci humakot ng award

In fairness, waging-wagi naman ang effort ni Andrea Brillantes sa kanyang ‘promposal’ kay Ricci Rivero para sa Star Magical Prom dahil humakot lang naman sila ng awards because of this.

Last March 30 ay ginanap na nga ang first ever Star Magical Prom sa grand ballroom ng Bellevue Hotel in Alabang, Muntinlupa City . Dinaluhan ito ng mga young talents ng Star Magic na siyang nag-organisa ng event.

Kasama ni Andrea na dumalo ang boyfriend na si Ricci in their matching Bridgerton-inspired outfits.

Sina Andrea and Ricci ang nag-uwi ng mga parangal na Best Promposal and Most Creative Promposal.

Matatandaang ginawa ni Andrea ang promposal kay Ricci sa concert ng K-pop girl group na Blackpink last Sunday sa Philippine Arena.

Humakot din ng awards sina Seth Fedelin and Francine Diaz – Most Viewed Promposal, Most Kilig Promposal, and Best Promposal 1st Runner-up.

Ang 2nd runner-up naman sa Best Promposal ay sina Jeremiah Lisbo and Kaori Oinuma.

Pero kinabog silang lahat nina Donny Pangilinan and Belle Mariano (DonBelle) na nag-uwi ng most coveted award na Prom King and Prom Queen.

The post DonBelle waging Prom King & Queen; Andrea, Ricci humakot ng award first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments