Esmi naka-LQ, nagpatiwakal sa Dolomite beach

Namatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang magpakalunod sa Dolomite beach sa Maynila, dahil umano sa problema sa asawa.

Bandang 3:20 ng madaling araw nang bawian ng buhay ang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa hustong edad.

Sa imbestigasyon ni PSMS Niño Baladjay ng Manila Police District -Homicide Section, nakita ng sikyo na si Romelyn Gonzales, na bumaba sa taxi ang biktima dakong 10:30 ng umaga at dumiretso sa Dolomite beach.

Nagulat na lamang ang sikyo nang diretsong pumunta sa dagat ang biktima kaya pinunutahan niya ito at sinita na bawal na maligo.

Pero sumigaw ang biktima ng “Magpapakamatay ako” kaya tinawag ng sikyo ang mga mountain ranger at wild life officer na naka-duty pero pagbalik nila ay wala nang malay ang lalaki.

Agad na iniahon ang biktima at isinugod sa ospital subalit binawian din ito ng buhay.
Batay sa impormasyon na nakuha ni Baladjay sa taxi driver na sinakyan ng biktima, sinabi umano nito na gusto na niyang mamatay dahil problemado siya sa kanyang asawa.(Juliet deloza-Cudia)

The post Esmi naka-LQ, nagpatiwakal sa Dolomite beach first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments