Terorista todas sa bakbakan

Todas ang commander officer ng umanoy New People’s Army (NPA) matapos makipag bakbakan sa tropa ng 58th Infantry Battalion (IB) sa bulubundukin parte ng Balbalan, Kalinga, ayon sa Philippine Army-Division Public Affairs Office (PA-DPAO) kahapon.

Kinilala ni PA-DPAO officer Maj. Rigor Pamittan ang namatay na rebelde na si Onal Oasis Balao-I alyas “Ka Beran”, commanding officer ng Rehiyon Unit Sentro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Ayon kay Pamittan, sumiklab ang halos 15 minutong bakbakan ng mga miyembro ng NPA at ng militar sa bahagi ng Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan sa nasabing lalawigan kung saan ay nakasagupa ng mga otoridad ang mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla Baggas at Regional Sentro de Grabidad Ilocos-Cordillera Region.

Pagkatapos ng 15 minutong sagupan, dito nakitang namatay si Ka Beran habang tumakas naman ang kanyang mga kasamahan. (Allan Bergonia)

The post Terorista todas sa bakbakan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments