Lumobo sa 224 ang naitalang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) sa loob lamang ng mahigit isang buwan sa Bulacan.
Kasabay nito’y pinag-iingat ni Gov. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo, lalo na ang mga magulang na mayroong zero hanggang 5-anyos na anak, na maging mapagmatyag sa mga senyales at sintomas ng HFMD.
Sinabi ng gobernador na agad patignan sa pediatrician ang mga bata na nakararanas ng lagnat, kawalan ng ganang kumain, masama ang pakiramdam, may singaw, pantal sa balat, at masakit ang lalamunan dahil hindi man ito malalang sakit, madali itong makahawa at maaaring makamatay sa mga taong mahina ang resistensya.
Nakapagtala ang Provincial Health Office-Public Health ng kabuuang 224 kaso ng HFMD mula Enero 1 hanggang Pebrero 4, 2023. (Jun Borlongan)
The post Kaso ng hand, foot and mouth disease lumobo sa Bulacan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments