NEDA chief naalarma sa pagbagal ng ekonomiya

May posibilidad na bumagal ang ekonomiya dahil sa bilis ng inflation at sa pagtaas ng interest rate sa mga pautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“The Philippine economy risks a slowdown,” babala ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa pulong ng Management Association of the Philippines at Financial Executives Institute of the Philippines nitong Miyerkoles.

Bahagya man umanong bumaba ang inflation sa 8.6% nitong Pebrero mula sa 8.7% noong Enero ay problema pa rin ito.

Aniya, habang kumakalma na ang inflation sa ibang mga bansa sa Asya at sa South East Asia, hindi pa ito nakokontrol sa Pilipinas. Ito ang dahilan kaya nagtataas ng interest rates ang BSP.

“The Philippines is presently an outlier among its Asian or Southeast Asian nations,” sabi ni Balisacan.

(Eileen Mencias)

The post NEDA chief naalarma sa pagbagal ng ekonomiya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments