Alisah ‘kinabog’ si Angeline

Isang malaking karangalan para kay Alisah Bonaobra ang mai-revive ang hit OPM song ni Angeline Quinto na ‘Hanggang Kailan’ composed by Joel Mendoza. Ang nasabing awitin ay matatandaang naging finalist sa Himig Handog Pinoy Pop Love Songs noong 2014.

Sa mediacon ni Alisah na ginanap last Friday ay ipinarinig ng singer sa entertainment press ang kanyang bersyon .Talaga namang napakahusay and without a doubt, kaya talagang lumaban sa original version.

Maging ang composer na naroroon din at umuwi pa ng Pilipinas mula sa US ay proud na proud , Masayang-masaya sa bersyon ni Alisah.

Alisah is releasing the song’s “composer’s cut” at kung bakit ito tinawag na ganito, ayon kay Joel ay kailangan daw pakinggan ang awitin para malaman.

“We recorded the track for 6 hours with Joel Mendoza as my vocal couch. Sir Joel’s intense body language while we were in the studio all pointed to achieving what’s best for our version,” sabi ni Alisah.

Hindi naman naiwasang itanong kay Joel kung paano niya ire-rate ang bersyon ni Alisah sa bersyon ni Angeline.

“Angeline’s version will always be Angeline’s. Angeline is Angeline. And Alisah’s version is Alisah’s. The performance and the puso, and the extent of intensity na sinabi ni Klarisse (de Guzman) sa akin for ‘Sana’y Tumibok Muli,’ ibinigay ko at ibinigay din ni Alisah sa akin,” ani Joel.

Kung ire-rate raw niya ang bersyon ni Alisah from 1-10 ay 15 daw ang ibibigay niya rito.

“But they’re equally both good. Angeline is Angeline and Alisah has her own powers and strength in her own interpretation,” dagdag pa ni Joel.

Matatandaang si Alisah ay naging runner-up sa The Voice of the Philippines in 2014 at naging contestant din sa X Factor UK. (Vinia Vivar)

The post Alisah ‘kinabog’ si Angeline first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments