Aljur kasalanan ang hiwalayan kay Kylie

Inamin ni Aljur Abrenica na kasalanan niya ang lahat kung bakit humantong ang marriage nila ni Kylie Padilla sa hiwalayan.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Aljur sa kanyang “Toni Talks” vlog sa YouTube na in-upload this Sunday, mapapanood na tinanong ng TV host ang aktor ng “alam mo bang ang iniisip ng mga tao the reason why your marriage fell apart is because you cheated? Ano ang reaksyon mo pag ‘yun ang iniisip ng tao? The reason why your marriage fell apart is because ikaw ang may kasalanan. You cheated.”

Mabilis namang umamin si Aljur.

“Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yun, may pagkakamali ako,” sabi ni Aljur.

Tinanong ni Toni kung ano sa tingin niya ang biggest mistake niya sa relationship. Sagot ni Aljur, “the biggest mistake na na-ano ko is hindi ako nagkaroon ng time sa kanila. Nu’ng nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala ‘yung komunikasyon.”

Inamin din ni Aljur na lubhang napakahirap ng dinaanan niya during those times. Ginawa raw niya ang lahat ng makakaya niya para ma-save ang kanilang marriage pero talagang wala na raw.

“Hindi na talaga magwo-work. Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa na rin niya lahat. In fairness to her.”

When asked kung ano ang status ng puso niya ngayon, ani Aljur, “sapat.”

Dagdag niya, “Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko. Sapat. Hindi labis, hindi kulang.”

Tanong ulit ni Toni, “sapat ba ‘yan for the new love of your life” na obviously, ang tinutukoy ay ang rumored girlfriend ni Aljur na si AJ Raval.

“Sapat ako, okay ako,” matipid na sagot ng aktor.

Obviously, ayaw pag-usapan ni Aljur si AJ at hindi na nangulit pa si Toni.

Ayon kay Aljur, kaysa raw ubusin niya ang energy niya sa mga espekulasyon ng mga tao ay inilalaan na lang daw niya ito para sa kanyang 2 anak since kulang din siya sa oras dahil sa kanyang trabaho.

“Iniisip ng mga tao, manhid ako. Pero hindi. Maramdamin talaga ako. Lahat ng nababasa ko, masakit ‘yan. Kaya hindi ako nagbabasa. Kilala ko ‘yung sarili ko. So, I just put my ano, my effort and time sa mas importante sa tingin ko,” sey ng aktor.

Sa ngayon daw ay ginagawa na lang niya ang best niya para maging ama sa mga bata at best na rin of himself.

“I have to accept the fact na talagang hindi na kami magkasama, ng ex-wife ko. Ang mangyayari kasi, I have to be always the best of myself kasi I have to accept na hindi na kami magkasama.

“Ang iisipin ko ba, maglulugmok ba ako do’n na hindi na kami magkasama? Magpapadala ba ako do’n o tanggapin ko na lang? O ito ‘yung mga pwede kong gawin, ‘yun na lang ang gagawin ko,” he said.

Sa tanong kung ano o sino ang pinaka-importanteng bagay at tao sa kanyang buhay ngayon, ani Aljur, “mga bata.”

The post Aljur kasalanan ang hiwalayan kay Kylie first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments