Bebot na rider todas sa bus

Todas ang 19-anyos na babaeng estudyante matapos humampas ang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa kahabahaan ng Barangay Barangobong, Tayug, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ni Tayug Police Station commander P/Major Anastacio Sibayan Jr., ang biktima na si Julie Dulay Pedro, isang senior high school student, ng nasabing bayan.

Ayon kay Sibayan Jr., sakay ng motorsiklo ay papauwi na umano ang biktima galing sa kanyang eskuwelahan kasama ang kaibigan pero pagsapit sa Barangay Barangobong ay sumalpok ang kanilang saskayan sa bus.

“Ipinunta niya (biktima) doon sa linya ng bus, doon na nabulaga si bus, na nandoon na sa harapan niya ang motorsiklo. Nahulog silang dalawa, halos nagsabay sila ng motor Sibayan.

Sinabi ng pulisya, hindi nakagawang makapagpreno ang driver ng bus dahil sa sobrang malapit na ang motorsiklo at napag-alaman na walang safety helmet ang biktima.

Kusa namang sumuko ang driver ng bus at nagkausap na nagkasundo na umano ang magkabilang panig kaugnay sa nangyaring aksidente. (Allan Bergonia)

The post Bebot na rider todas sa bus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments