Nagbabala kahapon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa kumakalat na fake news sa social media kung saan inirekomenda umano nito ang mga resort sa bansa dahil sa banta ng heat wave.
Ginamit sa fake news ang pangalan ng Center for Health Development sa Western Visayas at pinakalat ito noong Abril 1 na nagsasabing inaprubahan umano ng Malacañang ang rekomendasyon ng DOH para ipasara ang Boracay Island at iba pang resort na dinarayo ng mga turista dahil sa heat wave.
Nilinaw ng DOH na wala silang ganitong inirekomenda sa Malacañang.
Ngunit pinayuhan din ng DOH ang publiko na laging uminom ng tubig at iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soft drinks at alak na maaaring lalo lamang magpa-uhaw sa kanila; magsuot ng komportableng damit; iwasang magbabad sa ilalim ng araw lalo na kapag tanghali na o sa hapon.
The post Boracay, iba pang resort target ng fake news – DOH first appeared on Abante Tonite.
0 Comments