Brandon Ingram petmalu vs Los Angeles Clippers

Nag-take charge sa dulo si Brandon Ingram para ikampay ang New Orleans sa 122-114 panalo laban sa ini-host na Los Angeles Clippers sa NBA game Sabado ng gabi.

Tumapos si Ingram ng 36 points, may 23 points at 12 rebounds si Jonas Valanciunas sa Pelicans (40-38) na kalahating laro na lang sa likod ng Clippers (41-38) sa sixth place sa West.

Umayuda pa ng tig-19 points sina CJ McColllum at Trey Murphy III.

Tumukod ang LA sa kabila ng 40 points ni Kawhi Leonard at 24 points, 9 assists ni Russell Westbrook.

Naghulog ng 13 of 23 shots si Ingram mula sa pull-ups at turnaround fadeaways. Isa lang ang isinablay niya sa 11 tira sa free throws.

Siyam na sunod na laro nang may 25 markers o higit pa si Ingram.

Naghahabol ang Pelicans sa halos buong first three quarters, nang maagaw ang lead sa fourth ay kumapit sa lead.

May 19 markers na si Westbrook sa first half nang dumistansiya ang Clippers hanggang 12. (Vladi Eduarte)

The post Brandon Ingram petmalu vs Los Angeles Clippers first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments