Lubos ang pasasalamat ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan sa pagbisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, na unang pinuno ng turismo na tumuntong sa kanilang bayan buhat noong 2003.
“For us dito sa bayan ng Puerto Galera, we are grateful na dumating ang Tourism secretary. Maraming salamat din sa ating regional director ng DOT, kay Usec. na nandito rin ngayon, hindi ko maipaliwanag kung gaano kami kasaya after so many years,” pahayag ni Mayor Ilagan.
Hindi napigil ng bagyo si Frasco upang ipakita ang kanyang suporta at pakikiisa sa iba pang opisyal sa pagda-dive sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro nitong Miyerkoles, Abril 12.
Sinamahan si Secretary Frasco nina Mayor Ilagan, Undersecretary for Tourism Regulation, Coordination and Resource Generation Shahlimar Hofer Tamano, at Region 4B Director Zeny Pallugna sa La Laguna Point, sikat na dive spot sa lugar.
Ani Secretary Frasco, pinuno ng Philippine Commission on Sports Scuba Diving, ang pagbisita niya sa Puerto Galera ay pagpapakita ng commitment ng kasalukuyang administrasyon na tulungan ang industriya na makarekober mula sa mga krisis.
Dagdag niya, ang pagbisita ay upang makahikayat pa ng mas maraming turista sa Puerto Galera, na hindi naabot ng oil spill dulot ng lumubog na MT Princess Empire tanker sa baybayin ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28.
Bukod sa white beach, sikat ang Puerto Galera sa mga scuba diving spot na nagbibigay sa mga diving enthusiast ng iba’t ibang tanawin sa ilalim ng dagat mula sa mga shipwreck, corals at iba pang marine life.
Samantala, pinangunahan din ng kalihim ang pamamahagi ng Certificate of Tourism Grants sa mga lider ng mga community-based sustainable tourism organization mula sa iba’t ibang local government unit ng lalawigan.
Ang certificate ay nagbibigay-kuwalipikasyon sa mga organisasyon para sa tourism training intervention na may kasama nang starter kit upang magkaroon ng alternatibong kabuhayan habang hindi pa sila maaaring bumalik sa kanilang kasalukuyang trabaho dahil sa oil spill.
Kabilang sa mga organisasyon ang KAMI (San Teodoro); SMARTT, KAKAMBAL at SNPS (Calapan City); SAMBA, SNR, and Wawa Womens (Pinamalayan); at Samahan ng Mangingisda ng Agsalin and Sta. Theresa Fishermen Association (Gloria).
“Kaya naman po nandito po tayo para magbigay ng Certificate of Training Grants sa ating mga frontline tourism workers to be able to offer alternative livelihood sa kanila that is not necessarily related to their present occupation but may offer work in the tourism industry nevertheless. And that includes agri-tourism as well as other skills related to tourism offerings, the point is that we continue to push for livelihood and employment under the Marcos administration through tourism,” lahad ni Secretary Frasco.
Kabilang sa pagsasanay ang urban farming; tourism micro retail; beadwork and lei making; food tourism; kulinarya; health and wellness tourism; hilot at basic haircutting.
Maliban dito, magbibigay din aniya ang DOT ng P2 milyon sa mga apektadong LGU para sa mga tourism-related project sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority (TIEZA).
“And so, it’s very important for us to be able to balance the need to manage the crisis and the need to ensure that livelihood and employment continues and that is why andito po tayo para po mabigyan naman po ng support ‘yung ating local government units, ‘yung ating mga tourism workers na hindi po sila nag-iisa at saka ‘yung fear po siguro na other people may have in their minds because of the oil spill should be dissipated by the fact na patuloy po ‘yung ating tourism offerings dito sa Puerto Galera on one hand and on the other hand, andito po ‘yung gobyerno para tumulong sa ating mga affected tourism workers in other parts of Mindoro,” saad pa ng Tourism chief.
The post DOT chief Frasco sumisid sa Puerto Galera, nagbigay kabuhayan sa Oriental Mindoro first appeared on Abante Tonite.
0 Comments