Arangkada na ang single ticketing system sa National Capital Region (NCR) simula sa Mayo 2, sabi ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Huwebes.
Ito’y matapos na lagdaan kahapon ang kasunduan ng mga opisyal ng MMDA, mga mayor sa Metro Manila at Land Transportation Office (LTO) ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng single ticketing system.
Ayon kay MMDA acting chairman Atty. Don Artes, magkakaroon muna ng pilot testing sa pitong siyudad sa Metro Manila at kabilang dito ang San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Manila at Caloocan City.
Sinabi ni Artes na bibigyan nila ng handheld devices ang mga enforcer para magkaroon ng opsyon sa cashless payment ang mga lalabag sa single ticketing system at isang paraan din anya ito para maiwasan ang korapsyon.
Samantala, ipinahayag ni Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevarra na malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon na ng kasunduan para sa single ticketing system.
The post NCR single ticketing larga sa Mayo 2 – MMDA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments