Gov’t exec, asec ginawang Luneta ang Malacañang

Usap-usapan ngayon ang isang mataas na government official na parang nagmumurang kamias dahil hindi nito mapigilan mag-PDA o public display of attention sa kanyang kabit na isa ring opisyal ng gobyerno.

Napag-alaman ni Mang Teban na itong government official, na itago natin sa pangalang `Florante’ ay pamilyado na, habang itong kanyang dyowa ay isang assistant secretary na bansagan nating si ‘Kimchi’ dahil kahit may edad na ay may asim at anghang pa rin.

Mukhang dedma raw sa mga marites ang magdyowang opisyal ng gobyerno dahil lantaran na ang landian in the Palace ng dalawa.

Kapag papasok umano ng opisina ang dalawa ay akala mo namamasyal sa Luneta ang mga ito habang sakay ng golf cart dahil sa ka-sweetan.

Nakasandal umano sa balikat ni ‘Florante’ si ‘Kimchi’ habang magkahawak kamay, kulang na lang ay kantahan ng patok na awit ni Yeng Constantino.

Ang matindi pa rito kay ‘Florante’ ay inahas lang pala n’ya itong si Asec dahil may dyowa itong isa ring opisyal ng gobyerno na isang LGBTQ. Aba’y kasuwerte naman nitong si babae, may talong na sa lunch, may tahong pa sa dinner.

Kaya tanong ng mga marites sa paligid ng Palasyo, alam kaya ni ‘Laura’ ang milagrong ginagawa ng kanyang mister na si ‘Florante?’

Abangan ang love story ng magdyowang opisyal ng gobyerno kung hanggang kailan mabubuking ng kani-kanilang mga karelasyon.

Clue: Si ‘Florante’ ay parang hindi raw makabasag pinggan sa itsura habang si Asec ay patuloy na tinotorotot ang dyowang LGBTQ na isang komisyoner ng ahensya ng gobyerno. Uy, alam na!

The post Gov’t exec, asec ginawang Luneta ang Malacañang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments