Muling magpapatupad ang Land Transportation Office-National Capital Region West ng “Oplan Isnabero” kasabay ng pagbabalik na sa Metro Manila ang mga nanggaling sa probinsiya matapos ang Semana Santa.
Ayon kay LTO-NCR West Director Roque Verzosa III, ipapatupad ang “Oplan Isnabero” mula Abril 11 hanggang 14, 2023.
Batay sa Regional Office Order No. 54, huhulihin ang mga taxi driver na tumatanggi o pumipili ng pasahero sa kanilang pag-uwi mula sa mga bus station.
Paalala ni Verzosa sa mga taxi driver na seryosohin ang kanilang responsibilidad sa publiko bilang tugon sa kahilingan ng serbisyo sa transportasyon ngayong holiday.
Binalaan din niya na sinumang nahuling gumagawa ng ganitong gawain ay papatawan ng multa.
Ang LTO-NCR West ay sumasaklaw sa mga lungsod ng Maynila, Pasay, Makati, Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa, at Las Pinas. (Dolly B. Cabreza) with photo
The post ‘Oplan Isnabero’ muling ikinasa ng LTO first appeared on Abante Tonite.
0 Comments