Lolo todas, 11 na-rescue sa tumaob na bangkang de-motor

Nalunod ang 61-anyos na lolo habang nasagip ang 11 iba pa matapos tumaob ang isang bangkang de-motor sa Matnog, Sorsogon sa isang island hopping tour Linggo ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police ang nasawi na si Daniel Delmo, residente ng Pasay City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na tumaob ang motorboat dahil sa overloading at hindi balanseng kargamento at mga pasahero sa labas ng Subic Beach sa Barangay Calintaan habang patungo sa pampang dakong 4:30 ng hapon.

Karamihan sa mga pasahero ay mula sa Metro Manila.

Ang bangkang de motor at ang mga pasahero ay hindi umano nakarehistro sa Matnog Tourism Office.

Dinala sa kustodiya ng Matnog police ang boatman.

Sa isang pahayag nitong Linggo, kinondena ng Sorsogon Provincial Tourism Office at ng Matnog Municipal Tourism Culture and Arts Office ang “illegal island hopping,” dahil sa kapabayaan ng illegal boat operator na lumampas sa tamang proseso sa pagsasagawa ng island hopping activities sa lugar. (Dolly Cabreza)

The post Lolo todas, 11 na-rescue sa tumaob na bangkang de-motor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments