PBBM kay Marlon Tapales: Ipinagmamalaki ka namin!

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa sorpresang split decision na panalo ni Marlon Tapales kay Murodjon Akhmadaliev upang hablutin ang unified WBA/IBF super bantam titles nitong Linggo sa San Antonio, Texas.

Ayon sa Punong Ehekutibo Lunes, ipinagmanalaki ng mga Pinoy si Tapales sa karangalang ibinigay para sa Pilipinas.

“Binabati at ipinagmamalaki natin ang Pinoy boxer na si Marlon Tapales sa kanyang pagkapanalo sa Texas bilang unified super bantamweight champion!,” ani PBBM.

Pinasalamatan din ng Presidente ang 30-taong-gulang na boksingero sa ipinakitang galing, tapang at magsisilbi aniyang inspirasyon ang tagumpay sa mga kapwa atletang Pinoy.

Si Tapales ay tubong Tubod, Lanao del Norte at may pro ring record na 37 wins, 19 by knockouts at 3 losses. (Aileen Taliping)

The post PBBM kay Marlon Tapales: Ipinagmamalaki ka namin! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments