Pritil market nagliyab, 2 nadale

May 9 na oras na nagliyab ang Pritil Market kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nasunog ang pamilihan sa Pritil alas-11:43 ng hatinggabi na umabot sa ikaapat na alarma at naideklarang fire out alas-7:48 na ng umaga.

Sa nakalap na report sa Philippine Red Cross ay dalawa katao ang nasugatan kung saan dinala ng kanilang team ang isang pasyente sa pinakamalapit na ospital habang ang isa ay ginamot on-site.

Patuloy na inaalam ng Arson Division ang halaga ng napinsalang ari-arian sa natupok na palengke at sanhi ng sunog.

Ilang minuto naman matapos ang sunog sa Pritil Market ay nasunog din ang Mang Inasal KP Tower Branch sa may CM Recto sa Binondo, Maynila, alas 9:30 ng umaga.

Sa sketchy report ng Manila Police District -Police Station 11, umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire-out, alas-10:17 ng umaga. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi.

Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog at ang halaga nang napinsalang ari-arian. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pritil market nagliyab, 2 nadale first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments