Kelot tigok sa sinisid na tahong

Patay ang isang mangingisda makaraang malunod habang nangunguha ng tahong sa karagatan ng Navotas City, kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital si Allan Rondozo, 48, ng Losmarites St., Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Edison Mata, ng Station Investigation Unit, lumusong sa Sea Bed sa Barangay Sipac Almacen ang biktima para manguha ng tahong, alas-7:30 ng umaga.

Kwento ng kanyang mga kasamahan, matamlay daw si Rondozo ng araw na iyon dahil nilalagnat ito at may sakit, pero nagpumilit pa ring magtrabaho.

Makalipas ang isang oras, lumutang ang katawan ni Rondozo ngunit wala na itong suot na oxygen at wala na ring malay.

Sinubukan ng mga kasamahan na isalba ito ngunit bigo na. (Orly Barcala)

The post Kelot tigok sa sinisid na tahong first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments