Rey napagbintangang yakman, magnanakaw

Ikinuwento ng hitmaker na si Rey Valera ang kanyang mga pinagdaanan sa kanyang music career.

Sa panayam ni Korina Sanchez kay Rey, sinabi nito na dati na raw siyang napilitan na magpahinga muna dahil napagbintangan siyang kriminal.

Isa raw ang gumamit sa kanyang pangalan kaya napagkamalan siyang rapist at magnanakaw.

““Minsan kong iniwan ang karera ko ng maraming taon kahit napaka-successful ko na noon. Dahil sa isang impostor na nagpapanggap na siya si Rey Valera, napagkakamalan akong magnanakaw, rapist, kriminal,” wika ng OPM legend.

Mas makikilala pa si Valera dahil itatampok ang kanyang buhay sa pelikulang ‘Kahit Maputi na ang Buhok Ko’ na palabas na sa 2023 Summer Metro Manila Film Fest. (RP)

The post Rey napagbintangang yakman, magnanakaw first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments