Tibong aktres nabuking ng manliligaw na aktor

Noon pa man ay may very vocal sa paghanga ang actor na ito sa isang aktres.

Katunayan, tila na-starstruck siya sa beauty ng celeb na ito.

Hindi naman napabalita sa publiko pero nag-effort talaga si actor na ligawan ang aktres na ito.

Noong una ay nagkaroon ng pag-asa si actor na magiging dyowa niya si aktres.

Minsan ding kasi silang binildap na magka-love team.

Ang kaso, may natuklasan daw si actor tungkol sa lihim ng kanyang sinisintang aktres.

Minsan daw ay inihatid ni actor si aktres sa balay na tinutuluyan nito.

Naabutan daw nito ang naghihintay ang isang astig na bebot sa sala ng bahay ng aktres.

Nawindang siya dahil hinalikan ng liberated na bebot si aktres bilang pagbati rito.

Doon na kinabahan si actor pero gusto naman niyang bigyan ng benefit of the doubt na ang babaeng kanyang sinasamba ay isang tunay na mujer.

Pero nagkatotoo ang kanyang sapantaha na isa palang pards ang kanyang nililigawan .Nadiskubre niya ito sa pamamagitan ng sariling pag-iimbestiga at sa sources niyang malapit sa aktres.

Mula noon, tila na-trauma raw si actor at iniwasan si aktres.

Naunsyami kasi ang pantasya niya na maging dyowa ito.

Si aktres naman ay nagladlad na. Proud na itong member ng LGBTQA+ community.

Sa ngayon, may bago nang kinakarir na lovelife si actor pero maingat na ito sa kanyang prospect.

Marunong na rin kasing makipaglaro ang actor na ito at hindi tipong all mine to give ang drama.

Sino ang actor na itech? (Archie Liao)

The post Tibong aktres nabuking ng manliligaw na aktor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments