Isang lalaking namataan na may hawak ng baril sa pampublikong lugar sa Quezon City ang inaresto ng mga otoridad kamakalawa.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station (PS 2) Station Commander, PLTCOL Resty Damaso ang suspek na si Jomer Villanueva, 29, ng Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.
Batay sa ulat, dakong alas- 2:20 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa concerned citizen hinggil sa lalaking may bitbit na baril sa EDSA South bound, sa tapat ng PWU, Brgy. West Triangle, Quezon City, at kahina-hinala ang kilos.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad at nang makumpirma ang ulat ay inaresto ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Armscor 202 caliber .38 SPI revolver na walang serial number at loaded ng dalawang live ammunition.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Dolly B. Cabreza)
The post Kelot pinagyabang bitbit na baril, kulong first appeared on Abante Tonite.
0 Comments