Xian ‘bagsak’ sa takilya

Sa isang umpukan ng mga Maricon, usap-usapan ang nakapanlulumong estado ng karera ni Xian Lim.

Oo, artista siya at kasalukuyang may mga palatuntunan sa Kapuso network. At affirmative na tuloy-tuloy ang kanyang mga proyektong pampelikula sa film production outfit na siya ay contract star. Kaso, bakit nga ba matamlay at lalambot-lambot ang suporta ng mga Kapuso at fan niya sa kanyang mga pinagkakaabalahan?

Ang pelikulang pinagbidahan nila ni Kim Chiu, na comeback pa nila bilang magktambal, underperforming ang tamang pang-uri sa “Always”para ilarawan ang naging resulta nito sa takilya.

Ang movie na siya ang sumulat at direktor, ang “Hello Universe” na bida pa man din ang dating sikat na si Janno Gibbs, semplang umanoi sa takilya. Ipinapalabas ito sa isang international streaming platform sa kasulukyan pero walang kaingay-ingay ang tungkol dito.

At ang pinakabago niyang pinagbibidahan, na katambal ay si Ryza Cenon, hindi na natin kailangang saulihin kung siksik, liglig at umaapaw ang resulta nito sa box office.

Pang leading man ang awra, kisig at looks, check diyan si young master Lim. May kakayahan naman sa pag-arte, double check diyan si ginoong Alexander. At nasa number one network at progresibong film company pa, triple check ang binatang iniiibig ni Kim Chiu.

Eh bakit tuwing titimbangin siya, parang laging kulang? Kalungkot na sa umpukan ng mga maricon, tila ‘bagsak’ ang appeal niya sa takilya.

At major reinvention daw ang kailangan nito para muling maging mausisa ang publiko sa marami niya pang puwedeng ibigay.

Ang tanong ngayon na may pambansang kahalagahan, paano lulutasin ang isang problemang tulad ni Xian Lim?

The post Xian ‘bagsak’ sa takilya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments