430 barangay exec konektado sa droga

Mahigit sa 430 opisyal ng barangay ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ito ang binunyag kahapon ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., sa isang ambush interview matapos dumalo sa BIDA Workplace Program ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“Yes. We have data on that. Based yung mga dumarating na mga information and we are collating it although these are subject for evaluation din, naglalaro yan ano kasi depending on the reports coming
in and sa update natin there are more or less 430 (barangay officials) plus na personalities,”pahayag ni Acorda.

Paliwanag pa ng opisyal, base sa hawak na intelligence information ng PNP, iba’t iba ang partisipasyon ng mga naturang barangay official sa kalakaran ng iligal na droga.

Ang ilan aniya sa mga ito ay direktang sangkot sa pagtutulak ng droga, habang ang iba ay mga financier o kaya’y protektor.

“Itong mga personalities na ito they are included in tinatawag natin na High Value Individuals (HVI’s) and
yung iba is SLIs, (Street Level Individuals) yung mga operatiba natin sa ibaba, these are their subjects of operations, sa mga intelligence-driven operations natin,” saad pa ni Acorda.

Pinakamaraming sangkot na opisyal ng barangay sa iligal na droga ay mula sa Region 6, National Capital Regional (NCR). (Edwin Balasa)

The post 430 barangay exec konektado sa droga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments