Ahensiyang palpak na nga sa publiko, magaspang pa ugali ng amo

Hindi na nga maligaya ang publiko, di pa masaya ang mga empleyado.

Ganito puwedeng maisalarawan ang situwasyon sa isang kontrobersiyal na ahensiya ng pamahalaan na ugnay sa pangangalaga sa publiko lalo na sa usapin ng pagpalipat-lipat ng mga ito mula sa isang lugar patungo sa pupuntahan.

Aba’y paano naman ba kasi, bukod sa kapalpakan ng serbisyo ng ahensiya na naging dahilan kung bakit ito napagdidiskitahan ng maraming tao at maging ng mga mambabatas sa kasalukuyan.

Hindi na po siguro dapat pang palawakin pa dito ang yugto ng pagkaimbiyerna ng publiko sa ahensiya nang kulang ilang beses na dahil alam na alam na naman halos ito ng lahat kaya bigla ko tuloy naalala ang MIAA.

Ang hindi pa alam ng publiko at iniiwasan ng ahensiyang ito na malaman ng marami ay ang askad daw ng pag-uugali ng namumuno dito sa kasalukuyan.

Tapos na nang matagal ang Mahal na araw pero mistulang Semana Santa pa rin sa loob ng ahensiya dahil sa pag-uugali ng namumuno dito.

Ito daw ang katangian ng kasalukuyang pinuno ng ahensiya batay sa mga usap-usapan mismo ng mga kanyang mga kawani;

1. Nagsisilbing ‘mabigat na bagahe’ dahil kailangang laging bigyan ng prayoridad sa halip na ang publiko na dapat pagsilbihan

2. Masagwang pag-uugali

3. Asal panginoon kaya bawal salungatin ang anumang ginusto

4. Suplado.

Kung tutuusin, ang mga nabanggit na katangian ang pinaka-hindi dapat na tinataglay ng namumuno sa isang ahensiyang direktang may kaugnayan sa maraming tao.

Pero sa halip na mabahala dahil sa maraming sumbong at reklamo, aba’y tila nagdidiwang pa daw ito dahil narating nang walang kahirap-hirap ang pinakamataas na puwesto.

Hindi daw kaya talagang natuwa sa pangyayaring, nabangketa ang orihinal na pinuno ng ahensiya dahil sa ilang beses nang pagsablay?

Kaya nga kung ang ibang ahensiya ay mayroon din daw na ganitong klaseng katangian na pinuno, aba’y hindi na dapat umasa ang publiko na mapapatino ng Pangulong Bongbong Marcos ang serbisyo ng gobyerno.

Kulang daw sa edukasyon sa pakikipagkapwa tao ang opisyal na ito pero hindi naman halatado dahil kapag nagsasalita sa ilang mga mahahalagang ganap gaya ng imbestigasyon ay namumulaklak sa po at opo ang dulo ng pangungusap.

Alam niyo ba kung sino siya?

Maaring alam niyo na kaya huwag na huwag kayong padadala sa kaplastikan dahil sa kabila ng mahinahon at malambot na pananalita ay mas magaspang pa sa papel de liha ang personalidad ng opisyal na ito.

May letrang O sa apelyido as in o-ver sa gaspang ng pag-uugali at epal din sa lahat ng issue dahil siya ang umako sa mga situwasyon nang magtatatago sa media ang pinatalsik na amo.

The post Ahensiyang palpak na nga sa publiko, magaspang pa ugali ng amo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments