Lorna payag makipaglaplapan kay Piolo

Sa tinagal-tagal pala ni Lorna Tolentino sa showbiz at dami ng pelikulang nagawa na niya ay pala niyang nakatrabaho si Piolo Pascual, kaya nang tanungin siya ng press kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho ay si Papa P ang bukambibig niya.

Kahit daw maka-love scene at makahalikan pa ni ang aktor ay wala raw problema.

Pero hindi kaya kabahan siya kung may ganoong eksena nga?

“Baka nga kabahan ako. Kung maka-kissing scene ko siya, pero why not?”

Bakit of all the top leading men ay si Piolo ang gusto niyang makatrabaho?

“Kasi parang siya ‘yung nakikita ko na puwede ako makahabol sa edad niya. Gano’n daw, oh!”

Nagkakilala na ba sila Papa P?

“Oo naman, actually isa siya sa pinupuri ni Daboy (Rudy Fernandez, her late husband) noong araw, kasi si Papa P kapag nakikita niya si Daboy noon, bumabati talaga siya. Nagpang-abot kasi sila bago mawala si Daboy,” tsika ni LT.

Samantala, bahagi si Lorna ng bagong yugto ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ bilang si Amanda.

Pero iba raw ang role niya sa series na ito ni Coco Martin. Hindi raw sobrang sama compared kay Lily na character naman niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. (Allan Sancon)

The post Lorna payag makipaglaplapan kay Piolo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments