Nang-agaw ng pasahero, driver binardagul

Swak sa piitan ang magkapatid na jeepney driver nang pagtulungang bugbugin ang kapwa nila tsuper matapos umano silang agawan ng pasahero sa Terminal ng Bigte-Novaliches sa Shop and Ride, sa Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station (PS 4) Station Commander PLTCOL Jerry Castillo ang magkapatid na sina Glen Frey Lago, 33, at Joseph Lago, 28, ng Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon (May 05), pababa na sana ang biktimang si Freddie Suagan sa minamanehong sasakyan nang komprontahin ng suspek na si Glen Frey dahil sa pang-aagaw umano ng mga pasahero.

Sa gitna nang pagtatalo nina Suagan at Glen Frey ay dumating si Joseph at sinuntok ang biktima.

Hindi pa nakuntento, pnagtulungan nang bugbugin ng magkapatid ang biktima kaya agad nang ini-report ng mga kapwa nila driver ang insidente sa PS 4 at inaresto ang magkapatid.

(Dolly Cabreza)

The post Nang-agaw ng pasahero, driver binardagul first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments