Sablay na polisya sa Landers- Angeles

Nag-open na ang Landers dito sa amin sa Pampanga. First time ito sa province kaya excited rin kaming magpa-member. Dito lang kasi sa Angeles City, near Marque mall at malapit lang sa amin.

Siyempre pag-opening, maraming discounts. May discount din ang membership fee, 50%, kaya marami talagang pumila. Sa dami ng pumunta sa opening at mga sumunod araw, kinulang ang parking. Sobrang liit ng parking space kaya kailangan maghanap ng ibang mapagpaparkingan.

Isa rin sa rason kung bakit kami nagpa-member ay para ikumpara din ito sa S&R. Wala kasing kalaban ang S&R dito sa Pampanga kaya curious ang tao kung ano ang maio-offer ng Landers sa mga customer.

Given na naman na malaki ang discount sa ilang items sa Landers. Halos naman lahat merong discount. 20% ang pinakamababa at 50% naman sa pinakamataas lalo na sa mga meat products.

Dahil maraming discounts, siyempre medyo marami rin kaming napamili. Naka-schedule na rin talaga kaming mag-grocery kaya okay lang na doon kami pumunta.

Kung ikukumpara sa S&R, mas maganda ang ambiance ng Landers lalo na kapag nasa dining area. Maaliwas, maluwag at parang nasa hotel ka lang. Although, feeling ko mas masarap ang pizza at pasta at iba pang food ng S&R kumpara sa Landers. Mas mura din ang food S&R.

Isa lang sa hindi ko nagustuhan dito sa Landers ay ang napakaliit na parking space kaya magpapa-park ka na lang sa mga katabing bakanteng lote. Eh, paanong kung magtayuan ng establishment sa vacant lots eh ‘di kukulangin ang space ng parking?

Maliban diyan, isa pa sa kinaiinis ng customers ang polisya ng Landers sa pag-pick up ng napamili at ng pamilya mo na naghihintay sa main entrance ng establishment. Hassle talaga.

Kung ikaw ay naka-park sa labas kailangang bitbit mo ang resibo ng pinamili mo, otherwise hindi ka papasukin ng mga disrespectful na guwardiya ng Landers. Resibo first bago pick-up. Ganoon ang bulok nilang sistema.

Kahit anong paliwanag at pakiusap mo na hawak ng misis mo ang resibo at susunduin mo na nga sila, eh ‘di ka talaga papasukin. Kahit ituro mo pa sila na naghihintay sa waiting area ng establishment, nega, talagang haharangan ka nila. Hirap pakiusapan, very inconsiderate. Bastos pa ang mga guwardiya.

Hindi ko ma-gets kung bakit ayaw nilang papasukin. Nag-member ka nga, nag-grocery ka ng libo-libo tapos hindi ka nila papasukin dahil wala daw akong dalang resibo ng pinamili. Huh? Yun daw ang policy ng Landers. Well, bulok na polisiya yan!

Pinakitaan mo na nga ng membership card, hindi pa ako pinapasok. Ang labo. Hindi ko alam kung ‘yun nga talaga ang polisya o baka naman mali nang intindi ang mismong mga guwardiya nila.

Malayong-malayo sa S&R na kapag nakakalabas ka at na-inspection ka ng guwardiya, wala nang tanong-tanong pa sa mga susundo nila. Kahit naka-park ka pa sa labas. First time ko pa naman sa Landers at iyon nga, medyo hassle.

The post Sablay na polisya sa Landers- Angeles first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments