Pia .5M view na sa hilata pose

Last time we checked, may 487,240 likes na ang “Hilata” post ni Pia Wurtzback sa kanyang Instagram. Halos kalahating milyon na.

Para maintindihan ng foreigners niyang followers ang ibig sabihin ng hilata, ipinaliwanag ni Pia kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito.

“In the Philippines, we call this “hilata” mode or sprawled-on-thr-belly-lying-down-do-nothing-and-be-lazy kind of day. (Or in my case, on the sand).”

Maraming supporters si Pia at nadagdagan pa dahil sa hilata post niya na lumitaw na naman ang kanyang kaseksihan. May nag-comment nga na “sana all ganyan ichura pag humilata,” at “in the Philippines, we call this human Diyosa.”  (Nitz Miralles)

The post Pia .5M view na sa hilata pose first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments