Ria Atayde anong naisip at papasok sa gobyerno?

Mukhang hindi lang si Quezon City Congressman Arjo Atayde ang makikita nating nagsisilbi sa gobyerno kundi isa pang miyembrong pamilya Atayde.

Ito ay dahil sa isang impormasyong nakalap ng Abante na papasok daw ang aktres na si Ria Atayde sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang spokesperson.

Ang tanong ng mga sumusubaybay sa karera ng aktres sa showbiz ay ano raw kaya ang nag-udyok kay Ria para pasukin ang gobyerno.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon ang kampo ng aktres sa pumutok na balitang ito ay malaki raw ang pag-asang magkatotoo dahil may papel na kaugnay sa alok na posisyon.

Hindi pa man nakakaupo sa MMDA si Ria ay tiyak na marami na ang magtataas ng kilay lalo na’t isang abogado ang kasalukuyang spokesperson ng MMDA sa katauhan ni Atty. Melissa Carunungan na isang Atenista.

Bagama’t isang aktres ay hindi naman matatawaran ang kuwalipikasyon ni Ria dahil isa itong graduate ng De Lasalle University ng Communication Arts, hindi nga lang isang abogado.

Pero totoo kaya ang usap-usapan na ang koneksiyon ng kanyang amang si Art Atayde kay MMDA chair Romando Artes ang naging tulay kaya napupusuan si Ria na maging tagapagsalita ng MMDA.

Well abangan na lamang natin sa mga susunod na araw kung tuluyan na nga bang sasabak sa serbisyo publiko ang sweetheart ng actor na si Zanjoe Marudo.

Kapag nagkataon dalawang anak na nina Art at Sylvia Sanchez ang makikita nating naglilingkod sa publiko.

Hindi kaya lalong kabahan ang isang politiko sa Quezon City na unti-unti na raw inaalis sa kanyang anino si Cong Arjo dahil sa takot na masapawan sa darating na halalan?

Kung ako sa politikong ito dapat talaga akong kabahan, lalo na’t magiging misis na si Maine Mendoza ni Cong. Arjo sa hinaharap, aba’y hindi malayong mas bumango ito sa mga taga-Quezon City dahil sa tindi ng karisma ng fiancé ni Arjo.

***

Sa kabilang banda ay nais nating batiin ang bagong talagang si Chairman at Administrator ng Subic Bay Metropolitan authority (SBMA) Jonathan Dioso Tan.

Si Admin Tan ang napisil ni Pangulong Bongbong Marcos na mamuno sa SBMA sa loob ng 6 na taon.

Pinalitan ni Tan na dating Pandan, Antique Mayor si dating SBMA chairman at administrator Rolen C. Paulino.

Sa pagkakaalam natin itong si Chairman Tan ay kilalang matagumpay na negosyante sa Antique at nagsilbi din bilang alkalde ng Pandan, Antique mula 2010 hanggang 2019.

Isa rin siya sa tinanghal na most-outstanding mayor ng bansa kasama sina Mayor Alfredo Lim ng Maynila, Benjie Lim ng Dagupan, Meynardo at marami pang iba noong taong 2021.

At take note si Tan ay nag-iisang municipal mayor na nakakuha ng award noong taong iyon.

Naglingkod din siyang presidente ng League of Municipalities of the Philippines – at nahalal bilang PRO ng LMP-national mula 2013 – 2016.

Si Tan ay nagtapos ng Industrial Engineering sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) at Masters in Public Management mula sa Ateneo de Manila University – school of government.

Kay Chairman Tan, good luck at hangad namin ang inyong tagumpay bilang bagong pinuno ng SBMA.

The post Ria Atayde anong naisip at papasok sa gobyerno? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments