Sanay na si Alfred Vargas sa ngaragan. Keri niya na pagsabayin ang pagiging aktor at pagsilbi sa bayan.
Na-master na niya kung paano maging disiplinado sa oras at walang mapabayaan sa schedule. Expert na siya sa multi-tasking.
Hindi siya nawawalan ng panahon sa pamilya kahit maraming ginagawa.
Bagamat nasa larangan siya ng politika at showbiz, may oras pa siyang mag-aral. He’s taking his PhD in urban planning sa UP School of Urban and Regional Planning (UPSURP). Bukod pa dito, nagti-taping pa siya ng ‘AraBella at ginagawa pa ang responsibildad niya bilang Konsehal ng 5th District ng Quezon City.
Ano ang secret niya para magawa lahat ‘yun?
“Dapat, ‘yung mga kasamahan mo, magagaling din saka pare-parehas kayong naniniwala sa ginagawa n’yo. Saka, halimbawa, kung sa office, suwerte ako, magagaling mga staff ko saka masisipag, so nababawasan trabaho ko,” pakli niya.
“Pag-uwi ko naman ng bahay, si misis, inaasikaso na lahat,” dagdag pa ni Cong. Alfred.
Paano niya nabibigyan ng oras ang pamilya?
“Dapat talaga, ini-schedule mo lahat. Ako, naka-schedule ‘yung time ko, eh. Pag busy ka talagang tao, ‘yung personal time mo, dapat ini-schedule mo,” bulalas pa niya.
Actually, nasasamahan pa raw niya ang mga anak niya sa mga hobbies ng mga ito tulad ng volleyball , drawing lessons at swimming. Nakakapasyal pa siya sa ibang bansa o kaya ay out of town.
Bukod dito ay nagagawa pa nilang mag-date ng misis niyang si Yasmine.
Ano naman ang pangontra niya pag dumarating ‘yung pagod, stress o kaya’y burnout ?
Humihingi raw siya ng ilang araw na bakasyon para makapag-recharge.
Buti na lang mas magaan na ang trabaho niya ngayon bilang konsehal kaya mas nagkakaroon siya ng oras sa ibang bagay lalo na na nga sa kanyang pamilya.
Right now, katatapos lang ni Alfred na gawin ang pelikulang “Pieta” na kasama sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose.
Kasalukuyan na silang nasa post-production at naghahanap pa ng playdate pero siniguro niyang ipapalabas ito ngayong taon.
See Related Stories:
The post Alfred may pangontra sa stress first appeared on Abante Tonite.
0 Comments