Ka-date ng konsehal na naka-party drugs nagwala sa resort

Isang babae ang nagwala sa isang beach resort matapos umanong painumin ng party drugs ng naka-date na konsehal kamakailan.

Sa ulat ng pulisya, pinangalanan ng inarestong bebot na si Zanetha Gardose y Soria, 28-anyos ng Barangay Tapulao, Orani, Bataan, ang kasamang nag-check in sa resort at nagpainom umano ng party drugs na si Niño Lacson Noel, konsehal sa Malabon, batay sa police report.

Ayon sa police report, nangyari ang insidente sa Barangay Nagbalayong, Morong, Bataan.

Inireport umano ng isang staff ng Playa Azul Resort sa pulisya ang pagwawala ng bebot noong Mayo 31, 2023 ng gabi dahilan upang bitbitin ito sa Morong PNP.

Sa Morong PNP ay halos ayaw umanong magbigay ng impormasyon ni Gardose pero nang dumating ang kanyang mga kaibigan ay nagsalita na.

Sinabi ni Gardose na siya at ang kasama niyang lalaki ay nag-check in sa Playa Azul.Habang nasa kuwarto ay pinainum umano siya ng kanyang kasama ng kulay asul na tableta.

Kinilala ni Gardose ang lalaking kasama niyang nag-check in sa resort na si Konsehal Noel. Nagkakilala umano sila ni Noel sa isang dating app.

Pagkainom ng tableta, hinalikan umano ng konsehal si Gardose at dito siya nagalit kaya itinulak ito. Nagalit umano ang konsehal at lumabas ng kuwarto.

Nagtatakbo naman palabas ng kuwarto si Gardose dala ng epekto ng droga habang agad na umalis ang konsehal.

Wala pang ibinibigay na pahayag ang naturang konsehal.

The post Ka-date ng konsehal na naka-party drugs nagwala sa resort first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments