Marian binuking ang ginawa kay Dingdong pag tulog

Aminado si Marian Rivera na mahilig siya sa lotion. Maya’t maya ay naglu-lotion siya sa bahay.

“ Pagkatapos maligo, lotion. Bago matulog, lotion. Namana ko ‘yan sa mama ko,”kuwento ni Marian sa launching ng bagong kompanya na BlancPro na siya ang ambassador.

Sey pa ng aktres, hindi ma-lotion ang mister niyang si Dingdong.

“Kasi ‘di ba ang mga boys, aminin natin, hindi sila mahilig sa ganun,” bulalas niya.

“So, pag tulog siya, nilalagyan ko siya ng lotion,” sambit niya.

Hindi naman daw buong katawan ng aktor ang pinapahiran niya ng lotion kundi ang braso nito.

Anyway, si Yan ang nag-iisang female star na ginawang Face of BlancPro ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Sabi niya, dapat alagaan ang ating mga balat katulad nang pag-aalaga ng endorser nitong si Marian sa kanyang sarili.

“Marian Rivera has been a dear friend for many years. As the official endorser of Beautéderm Home, her effectiveness in representing the brand has been undeniable, leading my team and me to select her as the face of BlancPro. Marian embodies grace, confidence, and beauty,” deklara ni Ms.Rei.

“I welcome Marian to BlancPro family. Like our tagline, she really glows like a pro—and glows from within. Through the years, subok ko nang isa siyang totoong kaibigang maaasahan,” dugtong niya.

Sagot naman ng Primetime Queen, “Ate Rei is an inspiration to everyone—especially to aspiring entrepreneurs. Hangang-hanga talaga ako sa kanya when it comes to business. She is the real deal. She knows what she’s doing and she really knows her consumers. I am forever grateful for her trust and for the trust of her new company. I believe in the products. At mahal na mahal ko si Ate Rei.”

The post Marian binuking ang ginawa kay Dingdong ‘pag tulog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments