MWSS rerendahan ng NWRB

Isinasaalang-alang ng National Water Regulatory Board (NWRB) na hindi palalawigin ang mas mataas na bahagi ng tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) pagkatapos ng Hunyo, lalo na kung patuloy na bababa ang lebel ng tubig ng Angat Dam.

Pinagbigyan ng NWRB noong Hunyo 16 ang kahi­lingan ng MWSS na panatilihin ang mas mataas na alokasyon ng tubig na 52 cubic meters per se­cond (cms) hanggang sa katapusan ng buwan, na nagmumula sa Angat Dam.

Ang MWSS ay may concession deals sa Manila Water at Maynilad para pagsilbihan ang mga customer mula sa east at west zone ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Nitong Lunes, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astrono­mical Services Administration (Pagasa) na ang lebel ng tubig ng Angat Dam ay nasa 186.15, na isang pagbaba mula sa 186.55 noong Linggo.

Sinabi ni NWRB Exe­cutive Director Sevillo David Jr., ito ay itinutu­ring na “normal operating level” ngunit nag-alala siya sa posibleng pagsisimula ng El Niño sa mga darating na buwan.

Sa panayam namn ng CNN, sinabi ni David na hindi pa sila nakakatanggap ng ano mang kahi­lingan para sa extension mula sa MWSS pagkatapos ng Hunyo. (Dolly Cabreza)

The post MWSS rerendahan ng NWRB first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments