Siklistang lolo sumemplang tsugi

TODAS ang isang lolo matapos sumemplang ang sinasakyang mountain bike sa national highway ng Barangay Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya noong Linggo.

Kinilala ng Bambang Police Station (BPS) ang biktima na si Rudy Cornel, 71, magsasaka, ng Almaguer North, ng nasabing bayan,

Sa report ni Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) information officer P/Capt. Manny Paul Pawid, nakaugalian umano ni Cornel ang magbisikleta gamit ang kanyang mountain bike patungong Bambang town proper.

Ayon sa pulisya, maaaring nawalan ng balanse ang biktima kaya sumemplang.

Sa pagkakatumba, tumama umano ang ulo ng lolo sa semento. Dinala ito sa ospital ngunit dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Siklistang lolo sumemplang, tsugi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments