P6.6M plantasyon ng marijuana winasak

HUMIGIT-KUMULANG sa P6.6 milyong halaga ng pananim na marijuana ang winasak sa bulubundukin ng Barangay Loccong, Tinglayan noong Huwebes.

Ayon kay Kalinga Police Provincial Office (KPPO) deputy director P/Lt. Col. Jacob Dangpason, nasa 33,400 `fully grown’ mga pananim na marijuana ang pinagbubunot sa apat na plantasyon na may sukat na 3,050 metro kuwadrado na lupain.

Sinabi ni Dangpason, ayon sa Dangerous Drug Board (DDB), aabot sa P6.680 milyon ang sinira ng mga otoridad na marijuana plantation.

Aniya, ang mga plantasyon ay nasa lugar malapit sa tri-boundaries ng Kalinga, Abra at Mountain Province. (Allan Bergonia)

The post P6.6M plantasyon ng marijuana winasak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments