Pinag-iingat ng Food and Drug Administration ang publiko, lalo na ang kabataan, sa pagbili at paggamit ng nauusong laruan na lato-lato.
Inilabas ng FDA sa kanilang Facebook page ang babala sa mga produktong may label na “Lato Lato Toys With Handle Glow In The Dark Latto Latto Toy Toy Tok Tok Old School Toy Etek Toy Lato Lato Makasar” na ayon sa ahensya ay makikita sa mga online selling website.
Ayon sa ahensya, hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ang mga laruang ito at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Babala ng FDA na maaaring substandard umano ang ginamit na materyales sa mga nasabing produkto na posibleng magdulot ng panganib sa gagamit ng laruan.
Inabisuhan na rin ng FDA ang mga retailer na itigil muna ang pagbebenta ng mga nabanggit na klase ng laruan.
The post FDA nagbabala vs delikadong lato-lato first appeared on Abante Tonite.
0 Comments