Pahirap sa mga Pinoy tutuldukan ng Kongreso – Romualdez

Mahigpit ang naging paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kasamahan niya sa kongreso na isaalang-alang ang kapapakanan ng mahihirap na constituents nila.

Ito ay alinsunod na rin sa kagustuhan ng administrasyong Marcos na iahon sa kahirapan ang mga Pilipino dulot ng pandemya.

Sa isang Thanksgiving Dinner sa Taguig, nagbigay ng tagubilin si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan at sinabing, “Let us prioritize the needs of our constituents first and foremost.”

Nabatid na ang tinutukoy ng lider ng kongreso ay paghahain ng mga batas na makakatulong na maingat ang kalidad ng buhay ng mga pilipino lalo na iyong mga nasa mahirap na sektor.

Matatandaang noong mga nakalipas na buwan ay pinaimbestigahan ng Kongreso kung bakit mataas ang presyo ng sibuyas.

Malaunan ay natukoy na nagkaroon lamang pala ng hoarding ng mga sibuyas ang mga negosyante kaya naman muling naglabasan ang mga sibuyas at bumaba ang presyo nito.

Kaya naman patuloy ang pag-file ng mga panukalang batas sa mababang kapulungan ngayon para kalidad ng buhay ng mamamayan.

“Wag natin kalimutan kaya tayo dito dahil nilagay tayo ng mga constituents natin para tulungan sila,” paalala ni Romualdez.

See related stories:

Lakas-CMD, 7 partido solido alyansa kay Romualdez

Lopez, Romualdez bubuhayin DZMM

BBM sinulit US trip sa pakinabang ng PH – Romualdez

The post Pahirap sa mga Pinoy tutuldukan ng Kongreso – Romualdez first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments