Umpela ang environmental groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iutos ang pag-rerouting sa planong tulay na pinondohan ng China na mag-uugnay sa Davao sa Samal dahil nagdudulot ito ng mga panganib sa ecosystem.
Ang Sustainable Davao Movement (SDM), isang koalisyon ng hindi bababa sa 20 environmental organizations ay umapela sa Pangulo na iutos ang pag-rerouting ng tulay dahil nagbabanta itong lipulin ang Paradise Reef kung magpapatuloy ang konstruksyon.
“We hope that he will walk his talk as far as the current alignment of the Samal-Davao bridge is concerned,” ayon kay Carmela Marie Santos, director ng student group na Ecoteneo at point person ng SDM para sa Save Paradise Reef campaign.
Idinagdag niya na paulit-ulit na nagsalita ang punong ehekutibo tungkol sa pangangailangan na tugunan ang pagbabago ng klima at ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Ang Paradise Reef ay ang lugar ng isang coral reef na umaabot ng 300 metro ang lapad at 50 ang lapad (980 by 160 feet).
Nagho-host din ito ng 79 species ng hard corals, 26 species ng soft corals, at hindi bababa sa 100 species ng reef fish, batay sa isang pag-aaral na kinomisyon ng mga may-ari ng resort.
Mariing inirekomenda ng marine biologist na si John Michael Lacson na i-rerouting ang $400 milyon na tulay na pinondohan ng China para iligtas ang coral garden.
Ang kontrata sa pagtatayo ng proyektong Samal Island–Davao City Connector (SIDC) ay iginawad sa China Road and Bridge Corp. (CRBC), isang unit ng state-owned China Communications Construction Co. Ang Philippine partner nito sa proyekto ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kapag nakumpleto ng 2027 target date, ang 3.98-kilometro (2.47-milya) na dual carriageway ay magbibigay-daan sa mga sasakyan na tumawid sa loob lamang ng limang minuto, kumpara sa isang biyahe na humigit-kumulang isang oras sa pamamagitan ng lantsa.
Gayunpaman ay tatawid ang tulay sa Paradise Reef, at dadaan sa lupaing pag-aari ng pamilya Rodriguez-Lucas na sa nakalipas na 35 taon ay nagpapatakbo sa landmark na Paradise Island Park at Beach Resort.
Kamakailan lamang, hiniling ni Rodriguez sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa P23-bilyong SIDC project.
Binigyang-diin ng pamilya Rodriguez, na nangunguna sa mga mamumuhunan sa Island Garden City of Samal (IGACOS) na maaapektuhan ng proyekto ang Paradise Reef na matatagpuan sa beachfront ng Paradise Island Park at Beach Resort hanggang sa katabing Costa Marina Beach Resort, na parehong pag-aari ng pamilya. (Dolores Cabreza)
The post Environmental group umapela kay PBBM sa rerouting ng tulay sa Davao, Samal first appeared on Abante Tonite.
0 Comments