Mabituin at masaya ang premiere night/mediacon ng “Pangarap Kong Oskars” ng Mavx Productions. Ginanap ito nu’ng Biyernes sa The Block SM North EDSA, Cinema 3.
Well-attended ang red carpet event. Nandoon ang main stars at staff. Maging ang kanilang mga kaibigan sa industriya ay dumalo para magpakita ng suporta kina Paolo Contis, Joross Gamboa, Kaye Alejandrino at Faye Lorenzo.
Dumating sina Patrick Garcia, Adrian Alandy, Rocco Nacino, Jason Abalos, Kokoy De Santos, Royce Cabrera, Roadfil Macasero, Cassy at Mavy Legaspi, Alexa Miro, Buboy Villar, at Kimpoy Feliciano.
Kahit isang fun, horror movie ang ‘Ang Pangarap Kong Oskars,’ naniniwala ang mga bida ng pelikula na ang pagkakamit ng Oscar recognition bilang Best International Foreign Film ay hindi mananatiling mailap na pangarap… “Libre naman kasi ang mangarap.”
Ilang araw bago ilunsad ang promo ng latest MAVX film, nalathala ang truths at facts mula sa Wikipedia at Google na “ang Pilipinas ay may 33 films na sinabmit sa Academy/Oscars mula pa nu’ng 1953, pero hindi pa ito nabibiyayaan maski ni isang nominasyon sa Best International Film Feature.
Masakit man ang katotohanan, hindi nawawalan ng pag-asa sina Paolo at Joross na balang araw, makakamit din ng Pilipinas ang mailap na Oscar/Oskar.
Kilala ang Pilipinas bilang balon ng artistic talents na ‘di pahuhuli sa ibang Asians na humakot kamakailan ng parangal sa Oscar at iba pang A-listed global festivals.
Maaring ang nag-premiere kagabing pelikula ay hindi kapantay ng mga “cheapest best pictures na nagwagi sa Oscars (Moonlight, Rocky, Nomadland atbp.)” pero posible rin sa Pilipinas na gumawa ng kaparehong kasaysayan.
Nagbabago ang panlasa ng US Academy of Motion Picture Arts and Sciences, kaya patuloy na nananalig ang Pilipinas sa artistic justice — kung meron mang ganito sa kasalukuyang Universe.
Patuloy tayong aasang tayo’y mabi-vindicate sa ating pagsisikap.
(Roldan Castro)
The post Paolo, Joross umaasa na masusungkit ng ‘Pinas ang mailap na Oscar first appeared on Abante Tonite.
0 Comments