Suspek nginuso sa kill shot kay Degamo

Ni Nancy Carvajal

Positibong kinilala ng isang testigo ang suspek na bumaril at nakapatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo matapos salakayin ang residential compound nito sa bayan ng Pamplona noong Marso 4, 2023 kung saan siyam na iba pang biktima ang nasawi.

Nabatid na ilang hakbang lamang ang layo ng hindi na pinangalanang testigo mula kay Degamo at nagkunwari umano siyang patay na habang patuloy ang pagpapaputok ng baril ng mga suspek.

Sa dalawang pahinang sinumpaang salaysay ng testigo, kinilala nito ang gunman na si Osmundo Rivero na siyang kumalabit umano ng gatilyo para sa “finishing shots’ kay Degamo.

“When one of the armed men went back and made finishing shots at late Governor Degamo, I clearly saw the face of the suspect because the surgical mask he was wearing was down below his mouth enough to identify him,” ayon sa testigo.
Tinukoy din ng testigo si Rivero na siyang bumaril sa security guard ng compound nina Degamo na si Crispin Vallega.
Isinalaysay din ng testigo na ang dalawa pang nasawi sa masaker na kinilalang sina Josie Marie Ramirez at Florencia Quinkinito ay katabi lamang ni Degamo ng sumalakay ang mga suspek sa compound.

Nasaksihan umano niya kung paanong tinangkang iligtas si Degamo ng dalawang babae na sinangga ng katawan ang mga bala na ipinutok mula sa baril ng mga suspek para iligtas sana ang gobernador.

“Degamo, Ramirez and Quinikito fell to the ground together and at the same time,” sabi ng testigo.

Positibong kinilala ng testigo si Rivero mula sa photo gallery ng mga inarestong suspek sa Degamo slay.

“Among the arrested shown from the rogue’s gallery, I positively identify and strongly attest that the picture under the name of Osmundo Rivero Y Rojas was the one who shot Crispin Vallegal and made the finishing shots on the late governor Degamo before they finally left the area,” ayon sa testigo.

Sa kanyang press conference kamakailan lamang, sinabi ng abogado ng pamilya Degamo na si Atty. Levito Baligod na kabilang sa mga DNA na nakuha ng mga awtoridad mula sa pinangyarihan ng masaker ay galing kay Rivero at tatlo pang suspek na sina Rogelio Antipolo, John Louie Gonyon, at Winrich Isturis.

Una ng tinukoy ng pulisya si Isturis na unang bumaril kay Degamo.

Ang mga naturang gunmen ay kabilang sa 10 suspek na unang nagbigay ng testimonya kung saan idinawit ang suspendidong Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at Marvin Miranda na mga utak umano ng Degamo slay ngunit kalaunan ay binawi ang kanilang mga sinabi.

Base sa kanilang mga testimonya kung kaya’t natukoy at inaresto si Miranda na siyang co-mastermind umano ng Degamo slay plot.

The post Suspek nginuso sa ‘kill shot’ kay Degamo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments