2 bagsak sa P346K shabu

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos malambat sa buy bust operation at makuhanan ng aabot sa P346,800 halaga ng shabu kamakalawa sa Batasan Hills, Quezon City.

Sa report na nakalap sa tanggapan ni QCPD Director PBGen. Torre III, pinarangalan nito ang mga operatiba ng Batasan Police Station 6 (PS6) sa paghuli sa dalawang notoryus na suspek.

Kinilala ni Batasan Police Station Chief PLtCol. Paterno Domondon, Jr., ang nahuling sina Jessrel Sarco, 34, at RJ Bulacan, 25, kapwa taga-Brgy., Holy Spirit, QC.

Inaresto ang dalawa matapos makatanggap ng tip kaugnay sa kanilang pagtutulak na nagresulta ng kanilang pagkakahuli.

Nakumpiska sa mga suspek ang 51 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P346,800.00 at buy-bust money. (Vick Aquino)

The post 2 bagsak sa P346K shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments