Dalagita minanyak ng tnvs driver

Nanginginig sa labis na takot ang isang babae matapos siyang molestiyahin ng driver ng transport network vehicle service o TNVS na kanyang sinakyan pauwi sa kanilang tahanan.

Sa Twitter post ng isang Lil—-iev ay minanyak ito ng TNVS driver ng pulang Toyota Avanza.

“Please report this joyride car driver, he sexually harassed me on the way home… I never would’ve imagined the things he did to me. Im still shaking from what happened,” ayon sa tweet ng nasabing pasaherong dalagita.

Ayon sa biktima, nagulat na lamang siya nang hawakan ng driver ang kaniyang hita, hinalikan ang kanyang mga kamay at marami pa umanong kabastusang ginawa sa kanya na hindi na niya idinetalye pa.

Natakot umano siyang manlaban sa pangambang baka patayin siya sa saksak lalo’t may nakita siyang gunting sa sasakyan ng driver.

“He held my thighs, kissed my hands and many much worse things. I could’nt do anything since i was scared he would stab me to death if I fought back… he had a scissor on his car,” ayon pa sa tweet ng babaeng pasahero.

Kasabay nito, hinikayat niya ang mga kapwa niya kababaihan na gumagamit ng joyride app para sa transportasyon na maging maingat at tiyakin na matino ang kanilang mapipiling driver.

“PLUG TO SPREAD AWARENESS As someone who prominently uses the joyride app for transportation this saddens and frightens me as it becomes a threat to women of all ages. You may opt to report the driver by emailing the company: help@joyride.com.ph,” dagdag pa sa post ng biktima.

Tinangkang hingan ng reaksyon ang JoyRide sa alegasyon ng biktima laban sa kanilang driver partner pero wala pa itong tugon habang isinusulat ang balitang ito. (Dolly Cabreza)

The post Dalagita minanyak ng tnvs driver first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments