Muling pinaalalaha¬nan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na hindi na palalawigin pa ang SIM registration na magtatapos sa darating na Hulyo 25.
Ayon DICT Secretary Ivan John Uy, made-deactive ang SIM kapag hindi nirehistro sa takdang deadline.
Magkakaroon lamang ng limang araw na palugit para iparehistro ang deactivated na SIM pero kung hindi ito magagawa ay habambuhay na itong hindi magagamit.
Nitong Biyernes, sa ginanap na paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagtatatag ng Connectivity Index Rating sa bansa, sinabi ni Secretary Uy na humigit-kumulang 104 milyong SIM mula sa mahigit 160 milyon sa bansa ang nakarehistro na.
Nagbabala rin si Uy na maaaring patuloy na tumaas ang mga text scam sa huling apat na araw bago ang deadline dahil ang mga scammer ay lumilipat aniya sa ibang mga platform.
(Dolly Cabreza)
The post SIM deactivated na kapag ‘di narehistro sa July 25 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments