Lumobo ang nakolektang buwis mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) noong 2022.
Tumaas sa P8.878 bil¬yon ang kabuuang buwis na nakuha mula sa mga POGO kumpara sa P3.91 bilyon noong 2021 o 127% pagtaas, batay sa datos na ipinadala ng Department of Finance sa isang news website.
Sa naturang halaga, P805.9 milyon ay binayarang income tax ng mga POGO noong nakaraang taon habang P43.2 milyon naman ang para sa business tax. Kabuuan namang P3.65 bilyon ang nalikom na gaming tax mula sa offshore gaming industry noong 2022.
Ang POGO ay mga online gambling firm na nag-o-operate sa Pilipinas ngunit taga-ibang bansa ang mga kostumer. Sa kasalukuyan, pinaiimbes-tigahan sa Senado ang tumataas na bilang ng pagkakasangkot ng mga POGO sa iba’t ibang krimen, kabilang na ang human trafficking at kidnap-for-ransom.
The post Kita ng gobyerno sa POGO lumobo noong 2022 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments