Binaha ang ilang bahagi ng Quezon City at Edsa sa magdamagang pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila kahapon ng madaling araw.
Nagdulot naman ito ng pagluwag ng trapiko dahil mas marami ang di pumasada sanhi ng mga bahang lugar na dadaanan.
Bandang alas-diyes ng umaga ay kapuna-puna ang napakaluwag na daan lalo na sa kahabaan ng Commonwealth.
Natengga naman ang ilang motorista habang binaha ang EDSA, Araneta Avenue, at Quezon Avenue.
Naiulat din ang malalim na baha malapit sa Biak na Bato sa Quezon Avenue.
Sa Banawe, nakita rin ang ilang sasakyan na na-stranded habang sinusubukang lumusong sa baha.
(Riz Dominguez)
The post Edsa, QC binaha; ilang motorista stranded first appeared on Abante Tonite.
0 Comments