Kuya tigok sa naalimpungatang utol

Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki nang suntukin siya gamit ang bakal na knuckle at saksakin ng 15-anyos niyang kapatid matapos itong maalimpungatan sa pag-iingay ng una dahil sa nawawala umano nitong vape sa Balasan, Iloilo City noong Sabado.

Walang buhay na bumagsak ang biktimang si Amply Tamesis habang nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang 15-anyos na suspek.

Sa imbestigasyon, lasing umano ang biktima nang umuwi ito sa kanilang bahay kasama ang pinsan bandang alas-kuwatro ng umaga.

Uuwi na ang pinsan nito nang habulin siya ng suspek sa pag-aakalang naitago nito ang kanyang vape.

Sinaway siya ng kanilang ama at pinayuhang matulog na pero nagwawala pa rin umano ang biktima, dahilan kaya nagising ang suspek.

Binulyawan nito ang biktima na ikinagalit ng huli hanggang mag-away ang mga ito.

Sa galit ng suspek, bumangon ito at sinuntok ang kapatid gamit ang bakal sa kamay. Kumuha pa ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima.

The post Kuya tigok sa naalimpungatang utol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments