Nawawalang dalaga ni-rape slay

Naaagnas na ang katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang 22-anyos na dalaga na pinaniniwalaang biktima ng rape-slay sa Barangay Cabungan, Anda, Pangasinan noong Sabado, Hulyo 22.

Kinilala na lamang ang biktima sa pangalang Rowie na residente sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na ulat, sinabi ni Anda Municipal Police Station officer-in-charge Major Mark Tubadeza na may nag-report sa kanilang tanggapan na isang concerned citizen ng Barangay Cabungan matapos na makita ang bangkay ng biktima na nakahandusay at walang saplot pang-ibaba sa palayan.

Nalaman sa pag-iimbestiga ng pulisya na umalis umano ang biktima sa kanilang tahanan noong Huwebes, Hulyo 20, dahil may pupuntahan ito subalit hindi na nakauwi pa.

Lumabas umano sa medico-legal examination na posibleng ginahasa ang biktima bago ito pinatay. Hinala pa ng mga awtoridad na ginamit ang underwear ng biktima upang sakalin ito hanggang sa malagutan ng hininga.

May nakikita na umano ang pulisya na maaaring makatulong sa imbestigasyon, partikular na ang ilang personalidad na nakasama ng biktima bago natagpuan ang bangkay nito sa palayan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya hinggil sa krimen. (Allan Bergonia)

The post Nawawalang dalaga ni-rape slay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments