2 durugista, tulak himas-rehas sa P1.3M tobats

Umaabot sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang drugista at tulak sa buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III ang mga suspek na sina Barry Bueno, 43, at Christina Basa, 43, kapwa residente ng 126 ACF Road, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Dinakip ang mga ito ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ng pamumuno ni PLt.Col. Jerry Castillo bandang alas-12:10 ng madaling araw sa kanilang bahay.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Dinampot ang mga suspek nang makaiskor sa kanila ng P44,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000, isang cellular phone, sling bag at buy-bust money.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.(Dolly Cabreza)

The post 2 durugista, tulak himas-rehas sa P1.3M tobats first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments